Wednesday, December 28, 2011

Badtrip ang mga Bunso talaga!!!

Nag-away kami ng kapatid ko, well, lagi naman kami nag-aaway. He was my younger brother, bunso namin, kaya medyo spoiled.

Gusto niyo malaman kung gaano kaspoil? Hinahayaan nalang ng parents ko kung anung gawin niya. Hindi pumapasok sa school, naninigarilyo, umiinom, and on top of that, he's only 14! F*ck! I'm not saying na walang kwentang magulang ang mama at tatay ko, lumaki naman kaming apat na mga babae (kasama ako, hehehe, I have 3 older sisters), siguro pagod na silang magsuway saming lahat.

I never really attempt to do that when I was his age, maybe bacause super takot ako sa mama at tatay ko. Hindi din naman ako masunurin, pero sobra kasi akong competitive, kailangan magaling ako sa lahat ng bagay, and I know those thing won't give me any advantage.

So balik sa away, lagi kasi yung nangaasar! Sobrang nakakairita! Paulit ulit, nagrarap pa ng kung anu ano!

"bakla, bakla..(insert rap here)"

So nainis na talaga ako, hinampas ko siya ng tuwalya sa muhka! (ang sakit nun, full force!) tapos bigla niya kong sinuntok sa tagiliran! HIndi ako nakahinga! Pero hindi siya masakit, hindi lang talaga ako nakahiga. hehehe. Sa inis ko, sinakal ko talaga siya. Pinagsusuntok ko, hanggang sa umiiyak na lang. Naawa ako. Hahha. Sa laki ko ba namang ito, papalag pa siya. I swear, kung hindi ako nakapagpigil, mapapatay ko talaga yun.

Paalis pa naman ako nun para magpatahi ng badminton shoes ko, pawis na pawis ako pag alis ng bahay. Binabantaan niya pa kong humada daw ako sa labas aabangan niya daw ako. Haha. Takot ko naman diba!

Pag uwi ko ng bahay, ayon, putol na yung charger ng portable dvd ko, tinago niya yung router at ginupit yung converse shoes ko. Sa inis ko, ginupit ko yung tsinelas niya, yung short niya, pati yung charger ng cellphone niya! Hhahaha. Ganti ganti lang.

The worse part, kinampihan pa siya ng mama ko! Kainis talaga!!